Monday, September 5, 2016

"Ang mga Kabataan ng Ating Kinabukasan"

Kahirapan ang isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa at hanggang ngayon hindi parin natin ito natutugunan. Sa dokumentaryong "Tawid-Eskuwela" ng I-Witness, ipinapakita nito ang pamumuhay ng ilang mag-aaral mula sa Sitio Siculan, Tawi-tawi.
Walang kahit anong paaralan sa Sitio Siculan maliban sa nag-iisang maliit na daycare kaya kinikailangan nilang lumipat sa isang malapit na isla, Tandu Owak, ng isang linggo upang makapag-aral. Subalit ang islang iyon ay nakararanas rin ng kahirapan tulad ng kakulangan ng mga tamang kagamitan para sa pag-aaral. Si Jibal, 12-taong gulang, ay isa sa mga batang lumilipat sa Tandu Owak upang makapag-aral kasama ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Isang linggo silang nananatili sa isla nang walang kasamang kahit sinong mas-nakatatanda, at lugaw at asin lamang ang ulam nila kaya si Jibal ang siyang nag-aalaga sa kaniyang mga kapatid.
Hindi siya ganoon ka-grabe ng mga ilang dokumentaryo na ipinapakita ang mga estudyante na lumalangoy ng dagat o nag-lalakbay ng ilang kilometro upang makapag-aral sa ibang isla, ngunit nakakaawa pa rin ang kanilang kuwento. Sinasabi ng marami na ang kabataan ay may hawak ng ating kinabukasan. Subalit paano tayo makararanas ng isang magandang kinabukasan kung nagkukulang ang mga mag-aaral dito sa Pilipinas?