"Ang mga Kabataan ng Ating Kinabukasan"
Kahirapan ang isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa at hanggang ngayon hindi parin natin ito natutugunan. Sa dokumentaryong "Tawid-Eskuwela" ng I-Witness, ipinapakita nito ang pamumuhay ng ilang mag-aaral mula sa Sitio Siculan, Tawi-tawi.
Walang kahit anong paaralan sa Sitio Siculan maliban sa nag-iisang maliit na daycare kaya kinikailangan nilang lumipat sa isang malapit na isla, Tandu Owak, ng isang linggo upang makapag-aral. Subalit ang islang iyon ay nakararanas rin ng kahirapan tulad ng kakulangan ng mga tamang kagamitan para sa pag-aaral. Si Jibal, 12-taong gulang, ay isa sa mga batang lumilipat sa Tandu Owak upang makapag-aral kasama ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Isang linggo silang nananatili sa isla nang walang kasamang kahit sinong mas-nakatatanda, at lugaw at asin lamang ang ulam nila kaya si Jibal ang siyang nag-aalaga sa kaniyang mga kapatid.
Hindi siya ganoon ka-grabe ng mga ilang dokumentaryo na ipinapakita ang mga estudyante na lumalangoy ng dagat o nag-lalakbay ng ilang kilometro upang makapag-aral sa ibang isla, ngunit nakakaawa pa rin ang kanilang kuwento. Sinasabi ng marami na ang kabataan ay may hawak ng ating kinabukasan. Subalit paano tayo makararanas ng isang magandang kinabukasan kung nagkukulang ang mga mag-aaral dito sa Pilipinas?
Mahusay! Totoong sa kabila ng kaginahawaan natin bilang mga estudyante sa modernong panahon ngayon, mayroon paring mga kabataang hirap na hirap sa pag-aaral dahil sa wagas na kahirapan. Kailangang bigyang aksyon agad ito ng gobyerno.
ReplyDeleteMahusay ang iyong pagkakalarawan sa konsepto at diretso sa punto.
ReplyDeleteNakakalungkot isipin na sa murang edad ng mga kabataan na ito ng Sitio Siculan, sila ay nakakaranas ng hirap para lang makapag aral! Eto ang dapat pag tuunan ng pansin ng ating pamahalaan! Ang pagdagdag ng eskwelahan lalo na sa malalayong lugar sa buong Pilipinas! Ang kakulangan sa Edukasyon ang nagiging sanhi minsan ng kahirapan!
ReplyDeleteIpagdasal natin na matugunan ng pamahalaan ang pinagmumulan ng mga suliranin sa Sitio Siculan at sana'y tumatak sa ating mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon.
ReplyDeleteWow! Magaling ang iyong paglalahad ng salita. Sana'y marami pang makapansin nito nang maging aware sila sa pangyayari sa mga lugar tulad nito.
ReplyDeleteNapakuhasay ng iyong pgkakaguhit at pagsasalarawan ng buod ng kwento,nararapat lamang na mabigyan pansin ito ng ating pamahalaan,lalong higit ang sangay ng edukasyon upang matugunan ang kakulangan at pangangailangan ng mga mag aaral sa Sitio Siculan.Atin itong ibahagi sa lahat lalo na dto sa social media,upang makarating sa kinauukulan at sa ating mahal na pangulong Rodrigo Roa Duterte...Ang mga katulad mo na mag aaral ang syang ginagamit na pamamaraan ng ating Panginoon upang gamitin ang iyong talento sa mga abang kalagayan ng mga ibang mag aaral tulad ng Sitio Siculan at sa iba pang panig ng ating bansa.Salamat sa iyo Nikka at mabuhay ka!
ReplyDeleteSa panahon ngayon.. mapa murang edad man o mapamatanda man ay alam ang sitwasyon ng ibang kabataan sa mga liblib na lugar sa mga probinsya na hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan para matulungan sa kanilang mga pangangailangan. Hinahangaan ko ang isang katulad mo na sa murang edad pa lamang ay bukas na ang isipan sa mga ganitong pangyayari at nabibigyang pansin ang mga kahirapan ng ibang bata sa kakulangan sa pagaaral, dapat lang bigyan ng pansin ang mga bagay na ito upang matugunan ng maayos ng pamahalaan ang mga pangangailangan nila.
ReplyDeletepalagi natin sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. ngunit paano ito maisasakatuparan kung hindi nila makukuha ang edukasyon na kanilang kinakailangan dahil sa kakulangan ng mga paaralan sa mga liblib na lugar at hindi pa naaabot ng mga makabagong teknolohiya.
ReplyDeleteNapakalaganap na talaga ng suliraning ito kaya sana talaga'y bigyang pansin ito ng mga kinauukulan. Sang-ayon ako sa iyong mga pananaw at opinyon. Ang edukasyon ay hindi dapat balewalain at dapat nating pahalagahan ang buhay mayroon tayo ngayon.
ReplyDeleteSumasalamin sa katotohanan.
ReplyDeleteMaganda ang mensahe sa inyong larawan, at ito dapat bigyan ng solusyon ng ating pamahalaan.
ReplyDeleteAng konteksto ng iyong pagpapahayag ay akma sa kung papaano mo ito inilalarawan. Ang salitang 'kahirapan' ay nagbibigay ng maraming kahulugan at kadahilanan na sa tingin ko ay dapat bigyan pansin ng ating pamahalaan.
ReplyDeleteKahit di man lahat ng bata ay pinalad na mapunta sa isang pamilyang kayang bigyan sila ng magandang buhay, wag sana nilang kalimutan na ang buhay na kanilang kinagisnan ay maaari pang mabago sa tulong ng sariling pagsisikap at dasal sa Maykapal.
ReplyDelete